
Naniniwala ang ilang nagkasa ng kilos-protesta laban sa Pax Silica initiative na epektibo ang kanilang pagtutol kaya walang nangyaring pirmahan kaugnay dito sa pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump.
Ayon kay Ka Mody Floranda, presidente ng PISTON, ito ay dahil may mga nangyaring kilos protesta rin sa iba’t ibang panig ng mundo at hindi lamang sa Pilipinas.
Kaugnay nito, sinagot naman ni Floranda ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagtataka siya kung bakit maraming nagrally kontra rito lalo’t wala pa namang pormal na nagiging kasunduan ang Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Ka Mody, patuloy nila itong tinututulan dahil hindi naman ang mga Pilipino ang pangunahing makikinabang sakaling matuloy ang kasunduan.
Facebook Comments










