Ayon sa ulat ng Police Regional Office 1 (PRO 1), umabot sa 135 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa mga suspek na pawang residente ng Baguio City.
Nahuli umano ang apat na suspek matapos bentahan ng ilegal na droga ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer.
Kinilala ang mga naaresto bilang isang 37 anyos na mekaniko, 19 anyos na estudyante, 35 anyos na isa ring HVI, at 58 anyos na empleyado ng isang panaderya.
Bukod sa mga sachet ng hinihinalang shabu, nakarekober din ang mga operatiba ng 15 heat-sealed plastic sachets at isang glass tooter na may hinihinalang drug residue.
Patuloy namang paiigtingin ng PRO 1 ang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang seguridad sa mga komunidad at mapanagot ang mga sangkot sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





