Wednesday, May 6, 2026

Tatlong kongresista ng Maynila na miyembro ng Lakas-CMD, tumalon sa NUP

Tatlong kongresista na kinatawan ng magkakaibang distrito sa lungsod ng Maynila ang lumipat na sa National Unity Party o NUP mula sa pagiging dating miyembro ng Lakas-CMD.

Sila ay sina Manila 3rd District Rep. Joel Chua, 1st District Rep. Ernesto Dionisio at 5th District Rep. Irwin Tieng.

Dumagdag sila sa dalawa pang kongresista ng Maynila na dati ng miyembro ng NUP na sina Manila 6th District Rep. Benny Abante at 2nd District Rep. Rolando Valeriano.

Ang NUP ay pinamumunuan ni House Deputy Speaker at Antipolo City 1st District Rep. Ronaldo Puno.

Ito ang ikalawa sa pinaka-malaking partido-politikal sa Kamara na ngayon ay mahigit na 50 ang mga miyembro.

Bukod sa NUP, kabilang din sa malalaking partido sa Kamara ay ang Lakas-CMD na pinamumunuan ni dating House Speaker Martin Romualdez, at Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments