KLYDE SAN DIEGO NG CALASIAO, TINANGHAL NA MISTER PANGASINAN 2026

Kilig overload ang nakaraang weekend dahil sa dalawampu’t anim na makikisig na ginoong candidates ng Mister Pangasinan 2026 coronation night.

Sa ginanap na Mister Pangasinan 2026 noong gabi ng May 9, Kinoronahan bilang Mister Pangasinan 2026 si Klyde San Diego ng Calasiao.

Isa si Klyde sa dati nating nakapanayam kasama ang ilan pang kandidato para sa naturang kompetisyon.

Si Klyde ay isang registered nurse at anim na taon nang nagtatrabaho sa naturang propesyon.

Ayon kay Klyde, nagsimula siyang sumali sa mga pageant noong high school pa lamang kaya mayroon na rin siyang sapat na karanasan sa larangan.

Nagkaroon lamang siya ng walong taong pahinga sa pagpa-pageant upang mag focus sa kanyang nursing career.

Ngayon, matagumpay ang kanyang pagbabalik sa mundo ng pageantry matapos tanghaling Mister Pangasinan 2026.

Samantala, kinilala namang Mister Pangasinan Culture si John Jeremy Ong ng Bayambang, habang itinanghal na Mister Pangasinan Tourism si Patrick Paul Bautista ng Bolaoen, Urdaneta City.

Nakuha naman ni Harbie Melo ng Umingan ang titulo bilang 1st Runner-Up, habang 2nd Runner-Up si JC A. Penullar ng David, Mangaldan.

Kabilang naman sa mga itinanghal na ambassadors sina AJ Quinto ng Manaoag, Syrelle Lance Medina Centeno ng Malasiqui, Jay Carlo Cerezo ng Naguilayan, Binmaley, at Mark Lix Mendoza Camaso ng Bani. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments