
CAUAYAN CITY – Umani ng madaming reaksyon at komento ang Swimsuit photo ni Jarina Kumari Sandhu na kalahok sa Binibining Pilipinas ngayong taon.
Kasama ang kandidata sa mga top picks ng iba’t-ibang social media pages maging sa listahan ng mga frontrunners sa naturang patimpalak.
Patuloy naman pagbuhos ng suporta sa kandidata habang mas nalalapit ang koronasyon sa nasabing kompetisyon.
Sa kabila ng mga papuri at atensyong natatanggap, hindi nagpapakampante at patuloy pa rin ang kanyang puspusang paghahanda
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Jarina sa kanyang social media page maging sa mga comment section ng mga platapormang nakakapansin at humahanga sa kanya sa patuloy na pagsuporta sa kanyang karera.
Facebook Comments










