Sugatan ang limang katao matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Poblacion sa Mabini bandang 5:08 ng hapon noong Mayo 10, 2026.
Batay sa imbestigasyon, binabaybay umano ng unang motorsiklo ang national road kasama ang isang backride at menor de edad nang mangyari ang insidente.
Samantala, ang kabilang motorsiklo ay mula umano sa South Street Road at biglang pumasok sa national highway dahilan upang magbanggaan ang dalawang sasakyan.
Ayon pa sa pulisya, hinihinalang nasa impluwensiya ng alak ang driver ng ikalawang motorsiklo sa oras ng aksidente.
Dahil sa banggaan, nagtamo ng mga sugat ang mga sangkot at agad na isinugod sa ospital para sa kaukulang gamutan.
Nagtamo rin ng pinsala ang dalawang motorsiklo habang patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




