Apo Whang-Od, muling dinadagsa ng mga turista

Muling dinagsa ng mga turista sa Buscalan Village sa Kalinga Procinve si Apo Whang-Od at sa kaniyang mga apo upang makita at magpa-tattoo.

Sa ngayon kasi ay nasa Alert Level 1 na ang Kalinga at tanging vaccination card lang ang kailangan upang makapunta sa Buscalan.

Pero bago makarating sa itaas ng bundok na kinaroroonan nina Apo Whang-Od at kaniyang mga apo na sina Gracia Palican at Elyang Wigan, ay kailangan mag-trekking ng nasa 30 hanggang 45 minuto.


Ikinatuwa naman ng mga residente sa Buscalan at maging sa kalapit na barangay ang muling pagsigla ng turismo sa kanilang lugar para sa kanilang kabuhayan.

Ang mga residente kasi ang nagsisilbing tourist guide ng mga turista at nagpaparenta ng kanilang mga bahay para sa mga nais mag-overnight sa bundok.

Facebook Comments