iFM Laoag – Umaabot na sa anim ang binabantayan ng pamahalaan hinggil sa sakit na COVID-19 sa Ilocos Norte.
Isa sa mga ito ay nagpositibo sa sa naturang sakit, samantalang ang lima naman ay nakaconfine sa Mariano Marcos Hospital sa Batac City.
Ang nagpositibong indibidual ay 41 taong gulang na Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa United Arab Emirates na tubo ng Barangay San Nicolas sa Bayan ng Vintar at pinangalanan itong IN-C3 o pangatlong kaso na sa Ilocos Norte na nagpositibo.
Bagamat nagpositibo, asymptomatic o walang senyales ang biktima at kasalukuyan itong inoobserbahan sa isolation facility ng nasabing bayan sa pamamagitan ng mga health workers. Agad naming nilockdown ang facility ni Governor Matthew Manotoc.
Maaalalang ang unang dalawang nagpositibo higit dalawang buwan na ang nakalipas ay gumaling at nakarekober na sa nasabing sakit.
Samantala, ang limang suspected cases ng COVID-19 sa ngayon ay nagpapagamot pa sa nasabing hospital at dadaan din ito sa confirmatory test ng COVID-19.
Nasa ilalim parin ng Modified General Community Quarantine ang lalawigan ng Ilocos Norte hanggang sa katapusan ng buwan ayun sa rekomendsyun ng IATF. ( Bernard Ver, RMN News )