Live From The Field

Pormal ng kinasuhan kahapon ng PP2 ang 29 anyos na lalaki makaraang mahilihan ito ng baril sa loob ng compound ng RLA-ARMM noong biyernes ng hapon…Paglabag sa RA-10591 O violation sa comprehensive law on firearm and ammunition, matapos makuha sa kanyang sling bag ang isang calibre colt 45 1911 at may isang magazine… Samantala pormal narin kinasuhan ng kapulisan ang payong-payong driver na nahuli ng city drug enforcement unit matapos ang drug buy bust operation noong linggo ng gabi sa kanto ng Malibacao barangay RH-4… Kasong paglabag sa RA-9165 ang kinakaharap ni Zainodin Andong Aliman 51 anyos at nakatira sa RH-3, nakuha sa kanyang posisyon ang isang sachet ng shabu na worth 1500 pesos,cellphone at marked money…Ang dalawa ay nakapiit parin sa lock-up ng PP2.

Facebook Comments