Friday, May 8, 2026

Ina na nagbenta ng sanggol online, hinatulang guilty ng korte — DOJ

Hinatulang guilty ng korte ang isang ina na ibinenta ang sariling anak online.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), naharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination sa Quezon City Regional Trial Court Branch 94.

Batay sa hatol ng korte, naptunayan ang pagkakasala ng akusado nang maghain ito ng guilty plea at bunga ng masusing trabaho ng prosecution panel ng DOJ habang pinangangalagaan ang kapakanan ng batang biktima.

Aabot sa apat hanggang anim taon ang parusa sa akusado bukod pa sa pinagbabayad sa kaniyang multa na P15,000 bukod pa sa danyos na tig P20,000 sa moral, exemplary, at temperate damages.

Sabi ng Justice Department, ang natuang kaso ay patunay sa kanilang layunin na protektahan ang karapatan ng mga kabataan laban sa pang-aabuso at pagsasamantala, at tiyaking mapapanagot ang mga lumalabag sa batas.

Facebook Comments