
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 113 para sa bagong listahan ng mga negosyo kung saan bawal o may limit ang dayuhang puhunan.
Sa listahang ito, may mga sektor na hindi talaga pinapayagan ang foreign investors, tulad ng mass media, small-scale mining, at private security agencies.
Mayroon ding mga negosyong puwedeng pasukan ng dayuhan pero may hangganan.
Halimbawa, hanggang 30% lang sa advertising at hanggang 40% sa ilang retail business at paggamit ng likas na yaman.
Sa ibang sektor naman, gaya ng telecommunications, puwedeng umabot hanggang 100% ang foreign ownership, basta pinapayagan din ng bansa ng investor ang mga Pilipino na magnegosyo doon.
Layunin ng bagong listahan na i-update ang mga patakaran at gawing mas bukas ang ilang industriya sa dayuhang puhunan.
Regular itong ina-update ng gobyerno para malinaw kung alin ang bukas, limitado, at sarado sa foreign investors.










