Monday, April 27, 2026

27 sa mga Pinoy mula Kuwait na uuwi ng Pilipinas, may medical condition

27 sa mga Pilipinong repatriates na nakatakdang umuwi ng bansa mula Kuwait ay may medical condition.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration, kabilang dito ang mga may karamdaman, buntis, at may kinakaharap na mental health concerns.

Sila ay ang ika-walong batch ng mga repatriates mula Kuwait na binubuo ng 193 Pilipino.

Kasama rito ang 118 Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga dependents tulad ng asawa, mga anak, at magulang.

Sa ngayon, sumasailalim mula sila sa medical check-up at briefing/orientation.

Facebook Comments