Lockdown sa Cauayan City, Walang Katotohanan- VM Dalin

17
Cauayan City, Isabela- Walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon na magpapatupad ng Lockdown ang LGU Cauayan City.

Ito ang kinumpirma ni Vice Mayor Leoncio Bong Dalin, ang OIC ng Cauayan City sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Ayon kay VM Dalin, hindi isasailalim sa lockdown ang Cauayan City maging ang probinsya ng Isabela.

Hinihintay lamang aniya ng pamahalaang panlungsod ang ibababang guidelines mula sa IATF at DOH kung ano ang magiging status ng Cauayan City na kasalukuyang nasa Alert Level 2.

Una nang nagpalabas ng kautusan ang LGU Cauayan para sa lahat ng mga establisyimento sa Lungsod na ipatupad ang No vaccine, no entry”.

Samantala, sa pinakahuling datos ng Cauayan City COVID-19 Task Force as of January 10, 2022, mayroong 76 active cases ang Cauayan City na pangalawa sa may pinakamaraming aktibong kaso sa Isabela.

Facebook Comments