Lola na may 101 Taong Gulang sa City of Ilagan Isabela, Nagkaroon ng Isang Dosenang Anak!

City of Ilagan, Isabela – Nagkaroon ng isang dosenang anak ang lola na may 101 na taong gulang sa lungsod ng Ilagan, Isabela.

Dahil dito binigyan ng parangal kahapon si lola Candelaria Cayaba Malbacia dahil sa naabot na edad nito at nakatanggap din ng halagang isang daang libong piso na mula sa pamahalaang panglungsod ng Ilagan.

Hindi na umano nag-asawa si lola matapos na pumanaw ang kanyang asawa noong 84 taong gulang dahil sa kuntento na umano siya sa kanyang mga anak at apo.


Nasa pag-aalaga ng mga anak at apo si lola Candelaria dahil sa mahina na umano ang tuhod nito at nakaupo na lamang siya sa kanyang wheelchair.

Samantala pinanganak si lola Candelaria noong April 14, 1917.

Facebook Comments