
Ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpapatuloy ng operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa Luzon, Visayas, at Mindanao grids epektibo ngayong araw, May 1.
Ang WESM ay electricity trading market kung saan ang power generators ay nagbebenta ng elektrisidad sa distribution utilities, electric cooperatives, at suppliers kung kinakailangan.
Ang presyo ng kuryente sa WESM ay nagkaroon ng pagbabago depende sa halaga na inaalok ng
generators, available transmission capacities, gayundin ng supply at demand conditions.
Nitong March 26, 2026, ang operasyon ng WESM ay pansamantalang sinuspinde dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
HAbang sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA), ang ERC ang responsable sa pag-monitor ng mga actibidad ng generation at supply ng electric power industry.
Layon nito na magkaroon ng This is kumpetisyon sa merkado at para matiyak na transpent ang alokasyon o pass-through ng bultong elektrisidad ba binibili ng distributors.
Tiniyak naman ng ERC na patuloy nilang tututukan ang halaga ng elektrisiddad sa WESM, gayundin ang fuel supply developments, at ang power system reliability para matiyak ang matatag at resonable na power rates.










