INDUSTRIYA NG KAWAYAN SA BAYAMBANG, PINALALAKAS

Pinagtibay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayambang ang pagpapatuloy ng suporta sa mga bamboo caretaker mula sa iba’t ibang barangay.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Barangay Amancosiling Sur, Amancosiling Norte, Bacnono, Carungay, Caturay, Hermoza, Malioer, Pangdel, Poblacion Sur, Pugo, Telbang, at Wawa.

Ibinahagi rin sa pagtitipon ang pinakahuling datos hinggil sa kalagayan ng mga itinanim na kawayan sa bawat barangay, kasabay ng pagtalakay sa papel ng mga caretaker sa tuloy-tuloy na pangangalaga at pagpapalago ng mga ito.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na pamamahala ng bamboo clumps upang mapanatili ang kalusugan at produktibidad ng mga tanim.

Tinalakay rin ang mga planong pagsasanay sa bamboo crafting na layuning makapagbigay ng dagdag na kabuhayan sa mga residente habang pinapahusay ang paggamit ng kawayan sa komunidad.

Ayon sa MDRRMO, ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng lokal na pamahalaan upang palakasin ang mga hakbang sa kalikasan at kabuhayan, habang isinusulong ang kawayan bilang natural na panangga laban sa pagbaha at pagguho ng lupa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments