Saturday, July 18, 2026

LTO, sinigurong sumusunod sa batas at regulasyon ang mga rental vehicle operation sa Siargao Island

Nakipagpulong si Land Transportation Office (LTO) Chief and Assistant Secretary Markus Lacanilao sa mga representate ng MV Rental Services sa tanggapan ng ahensya sa Siargao District Office.

Ito ay para talakayin ang papel ng mga transport stakeholders kaugnay ng pagsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon ng mga rental vehicle operations, habang isinusulong ang road safety at pagbibigay ng ligtas, maaasahan, at lawful transport services para sa mga residente at bisita sa isla.

Sinundan ang consultative meeting ng enforcement operation sa nasabing isla, na pinangunahan ng iba’t ibang opisyal ng ahensya.

Samantala, umabot naman sa siyam na motorsiklo ang na-impound ng LTO dahil sa pagiging colorum, dalawang araw matapos simulan ang nasabing operasyon, habang anim na hindi rehistradong motorsiklo naman ang lumabag sa Republic Act No. 4136.

Nag-isyu rin nag ahensya ng ilang Temporary Operator’s Permits para sa iba’t ibang uri ng paglabag sa batas-trapiko, kung saan karamihan dito ay kaugnay ng hindi pagsusuot ng helmet.

Facebook Comments