Saturday, July 18, 2026

LTFRB, nakipagpulong sa mga transport cooperatives para sa maayos na sistema ng pampublikong transportasyon

Nakipagpulong si Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II sa mga transport cooperatives para sa mas maayos na sistema ng pampublikong transportasyon.

Tampok sa pagpupulong ang mga usapin kaugnay sa pagsasaayos ng mga ruta, pagtukoy sa mga angkop na terminal, at pakikinig sa mga rekomendasyon o suhestyon ng mga transport cooperatives para sa mas maayos na sistema ng pampublikong transportasyon.

Bahagi umano ang inisyatibo ng matibay na komunikasyo at pakikipag-ugnayan sa mga transport stakeholder, na patuloy na isinusulong ng LTFRB, para masiguro na angkop sa pangangailangan ng sektor ang mga polisiya at programang ipinatutupad ng ahensya at para maayos ang operasyon at serbisyo ng pampublikong transportasyon.

Samantala, kasama rin sa pagpupulong si Franchise Planning and Monitoring Division Chief Atty. Sherwin D. Vizconde.

Facebook Comments