Saturday, July 18, 2026

₱2 fare increase, hirit ng grupong MANIBELA kasabay ng big-time oil price hike sa Martes na papalo sa ₱10

Kulang ang ₱1 na hirit ng mga transport group na dagdag-pasahe kasunod ng malakihang oil price hike sa susunod na linggo na papalo sa ₱10.

Una nang sumulat ang transport sector kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para humiling ng ₱1 fare increase dahil sa nakaambang ₱10 na dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel sa Martes.

Ang diesel ang ginagamit ng karamihan sa mga public utility vehicle (PUV) driver sa kanilang mga sasakyan.

Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, dapat ay dagdagan ng ₱2 ang fare increase dahil sa sobrang taas ng presyo ng diesel.

Aniya, posibleng bumalik sa ₱90 hanggang ₱100 ang presyo ng kada litro ng diesel sa mga susunod na linggo, kaya dapat ay mas malaki rin ang dagdag sa pasahe.

Facebook Comments