
Sa monitoring ng Philippine Navy, nasa kabuuang 24 na barko ng China ang namataan sa apat na maritime features sa West Philippine Sea mula Hulyo 7 hanggang 13.
Sa Ayungin Shoal, apat na Chinese Coast Guard Vessels (CCGVs) ang namataan habang sa Bajo de Masinloc naman ay mayroong 13 Chinese Coast Guard Vessels.
Samantala, sa Escoda Shoal ay may na-monitor na dalawang Chinese Coast Guard Vessels at isang PLA Navy ship at sa Pag-asa Island naman, tig-dalawang Chinese Coast Guard Vessels at PLA Navy ships ang na-monitor.
Patuloy naman ang pagtitiyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbabantay nito sa pambansang teritoryo at soberanya ng Pilipinas, alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.










