
Umapela sa Department of Justice (DOJ) ang abogado ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na ibasura ang reklamong Obstruction of Justice na isinampa laban sa kanila ng ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero.
Ayon sa abogado ni Atty. Caroline Cruz na si Atty. Isabella Sabio, walang sapat na batayan ang reklamo at mga maling akusasyon lamang ang ibinabato sa kanyang kliyente.
Iginiit ni Sabio na mismong ang mga kaanak ng missing sabungeros ang humiling na makipagpulong kay Cruz at wala umanong nangyaring bayaran kapalit ng pananahimik o pag-atras ng kaso.
Sa kabila nito, inamin nila na nagbigay ng tulong pinansiyal sa ilang pamilya pero ito ay para umano sa kanilang pamasahe at pangkain at wala anilang anumang kondisyon.
Binigyang-din ni Sabio na may mga counter-affidavit at iba pang ebidensyang magpapatunay na walang naganap na pagharang sa kaso at maging ang tangkang pagpigil sa mga kaanak na dumalo sa mga pagdinig kaugnay ng mga kasong kidnapping at murder laban kay Ang.
Samantala, may tatlo umanong complainant na humihingi ng malaking financial settlement ngayon mula kay Ang na handa raw nilang patunayan sa tamang panahon.
Kaninang umaga nang magtungo ang ilang kaanak ng missing sabungeros para maghain ng kontra-salaysay dahil sa reklamong obstruction of justice laban sa kanila nina Cruz at iba pang respondents.










