Tuesday, July 14, 2026

PGH, naghahanda na sa pagtungo ni Sen. Marcoleta para sa kaniyang scheduled check-up

Nakahanda na ang pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) sa nakatakdang pagpunta ni Senator Rodante Marcoleta para sa nakatakda nitong check-up.

Kaugnay nito, hindi papayagan ng PGH ang media sa loob ng pagamutan sa oras na magtungo ang nasabing senador.

Iginiit ng pamunuan ng PGH na ang desisyon ay kaugnay sa pagpapatupad ng utos ng Sandiganbayan na pagpapacheck-up sa senador.

Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, maaaring maapektuhan ang mga pasyente kung papayagang makapasok ang media sa loob ng nasabing hospital.

Tumanggi rin siya na magbigay ng dagdag impormasyon kabilang dito kung anong mga pagsusuri ang gagawin sa senador.

Paliwanag pa ni Dr. Del Rosario, susundin lang nila ang utos ng hukuman sa check-up kaya wala silang impormasyon na maibabahagi ukol dito

Dagdag ng doktor, ang Sandiganbayan na lamang ang maglalabas ng anumang updates sa check-up ng senador.

Facebook Comments