Friday, July 17, 2026

Mataas na ratings sa survey, hindi proteksyon ni VP Duterte laban sa impeachment

Ang pagkamit ni Vice President Sara Duterte ng mataas na rating sa survey ay hindi rason para hindi ituloy ang paglilitis sa kanya ng Senate Impeachment Court.

Sinabi ito ni House Prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon makaraang makakuha ng mataas na rating si VP Duterte sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa June 20 hanggang 29 o bago ang impeachment trial.

Diin ni Ridon, nakasaad sa Saligang Batas ang pagpapanagot sa mga matataas na opisyal ng bansa na nagtaksil sa tiwala ng mamamayan at nakagawa ng paglabag sa batas at konstitusyon.

Ayon kay Ridon, congratulations kay VP Sara dahil mataas ang nakuha nitong satisfaction rating pero tuloy pa rin ang impeachment trial.

Facebook Comments