Mag-ama, Patay Matapos Malunod sa Ilog!

*Cabagan, Isabela- *Binawian din ng buhay ang isang tatay at anak nitong dalagita matapos malunod pasado alas onse kaninang umaga partikular sa Pinacanauan river ng Brgy. Angancasillian, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang biktimang mag-ama na sina Loreto Salas Jr., 48 anyos, tricycle driver at Mia Marloreth Salas, 13 anyos na residente ng Centro, Sto Tomas, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nagpicnic umano ang mga biktima sa nasabing lugar at nang maligo ang mga ito sa ilog ay bigla na lamang nawala ang mga ito.


Agad namang ni-rescue ng mga kasama sa ilog at kalauna’y narekober ng mga mangingisda ang katawan ng mag-ama.

Isinugod ang mga biktima sa isang pagamutan subalit namatay din habang nilalapatan ng lunas.

Facebook Comments