Itinurn-over ang isang babaeng bayawak sa mga awtoridad matapos mamataan na pagala-gala sa loob ng Municipal Park sa Infanta, Pangasinan noong Hunyo 18, 2026.
Ayon sa ulat, kusang-loob umano itong dinala sa mga awtoridad ng isang concerned citizen matapos mapansin ang hayop sa lugar.
Sa kasalukuyan, nasa maayos itong kalagayan at nasa pangangalaga na ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Infanta.
Paalala ng MENRO Infanta sa publiko na agad iulat sa kanilang tanggapan o sa mga kinauukulang awtoridad ang anumang makitang mga ligaw na hayop para matiyak ang kaligtasan ng tao at ng wildlife.
Ito umano ay alinsunod sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, na mahigpit na nagbabawal sa paghuli, pagmamay-ari, pagdadala, pangangalakal, pananakit, o pagpatay sa mga hayop-ilang nang walang kaukulang permit at pahintulot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









