ADVOCACY WALK KONTRA MISCONCEPTION SA PAGPAPABAKUNA, ISINAGAWA SA MANAOAG

Nakiisa ang iba’t ibang sektor ng komunidad sa isinagawang Immunization Advocacy Walk o “Bakuna Ricorida” sa Manaoag, Pangasinan noong Abril 29, upang bigyang-diin ang kahalagahan ng tamang impormasyon ukol sa benepisyo ng pagpapabakuna.

Pinangunahan ng Municipal Health Office katuwang ang Region 1 Medical Center, kasama ang mga tricycle operators, Barangay Health Workers (BHWs), vendors, candle boys, at mga kawani ng Rural Health Unit.

Bago ang advocacy walk, nagsagawa muna ng “Bakuna Myth-Busting Talk” kung saan tinalakay ng isang pediatrician ang mga karaniwang maling paniniwala at isyu kaugnay ng pagbabakuna.

Inaasahan na magdudulot ng positibing mensahe sa mga magulang ang aktibidad upang mahikayat ipabakuna ang kanilang mga anak bilang pangmatagalang proteksyon sa mga sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments