Saturday, May 2, 2026

𝗧𝗒𝗣 𝟴 π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗠𝗒𝗦𝗧 π—ͺπ—”π—‘π—§π—˜π—— π—£π—˜π—₯𝗦𝗒𝗑, π—‘π—”π—¦π—”π—žπ—’π—§π—˜ 𝗦𝗔 π—˜π—–π—›π—”π—šπ—¨π—˜,π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

CAUAYAN CITY- Nadakip ang isang lalaki na kabilang sa Top 8 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas β€œArjay” 25-anyos,Laborer at residente ng Brgy. San Fabian, Echague, Isabela at nahaharap sa kasong panggagahasa.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsamang pwersa ng Tracker Team ng Echague Police Station, katuwang ang iba pang yunit ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Disyembre 1, 2021 at walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pagaresto ay ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine. Isinailalim din siya sa kaukulang dokumentasyon sa himpilan ng pulisya bago iharap sa hukuman.
Ang nasabing operasyon ay patunay lamang ng patuloy na dedikasyon ng kapulisan sa pagpapatupad ng batas at pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng karahasan.
Facebook Comments