Saturday, May 2, 2026

𝗡𝗢. 𝟰 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢

CAUAYAN CITY- Timbog ang No. 4 Most Wanted Person (MWP) sa probinsya ng Isabela matapos ang isinagawang operasyon ng kapulisan sa Brgy. Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Gudo,” 43-anyos, binata, at residente ng Barangay Magsaysay ng nasabing bayan at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.
Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong ika-14 ng Abril at walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang kanyang pagkakaaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya siya ng CIDG Isabela Provincial Field Unit habang inihahanda para sa pormal na pagharap sa hukuman na naglabas ng nasabing kautusan.
Facebook Comments