Wednesday, May 20, 2026

PBBM, iniutos ang full-scale government response sa kaugnay sa ashfall ng Bulkang Mayon

Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagkilos ng pamahalaan sa ashfall mula sa Mayon Volcano, partikular sa Guinobatan at Camalig, Albay.

Ayon sa pangulo, kailangang tuloy-tuloy at mabilis na maabot ng tulong ang bawat apektadong pamilya

Tinututukan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-aalis ng abo sa pangunahing lansangan upang manatiling bukas ang daloy ng biyahe at rescue operations.

Namamahagi ang Department of Health (DOH) ng N95 masks at naglalatag ng mobile clinics at water stations para tugunan ang ubo, hirap sa paghinga, at iritasyon sa mata.

Nagdeploy rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa water spraying at paglilinis sa mga komunidad sa koordinasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Mahigpit na ipinatutupad ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang evacuation sa mga high-risk area.

Samantala, nagbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pagkain at pangunahing pangangailangan sa mga evacuation center, na may nakaabang na suplay sa buong Bicol Region.

Pinabantayan din ang mga ilog at daluyan ng tubig laban sa posibleng lahar lalo na sa pag-ulan.

Paalala ng pangulo sa publiko na manatili sa loob ng bahay kung maaari, magsuot ng mask, at sundin ang abiso ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments