Tuesday, May 26, 2026

𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗧-𝗥𝗘𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗧 𝗖𝗥𝗢𝗣𝗦, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Hinikayat ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Cagayan ang mga magsasaka na magtanim ng mga pananim na matibay sa matinding init bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño ngayong taon.

‎Ayon kay Engr. Arsenio Antonio, Acting Provincial Agriculturist, mas makabubuti ang paggamit ng mga variety na maagang maaani at kayang makatiis sa tagtuyot, imbes na umasa lamang sa palay at mais.

‎Iminungkahi rin ang pagtatanim ng mga root crops tulad ng kamote at kamoteng kahoy, at mga gulay na matibay sa init gaya ng talong, sitaw, kalabasa, at okra.

‎Paalala ng OPA, ang tuloy-tuloy na pagtatanim sa mga lugar na may sapat na irigasyon ay mahalaga upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at mapanatili ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Facebook Comments