Elon Musk, tuluyan nang nabili ang Twitter

Hawak na ng Canadian at American business magnate na si Elon Musk ang kontrol sa Twitter.

Tuluyan itong nakuha ni Musk ilang oras bago ang deadline na ibinigay sa kanya para maselyuhan ang atras-abante niyang pagbili sa social media network.

Kasabay nito, sinibak ni Musk ang Chief Executive Officer ng Twitter na si Parag Agrawal at Chief Financial Officer na si Ned Segal.


Abril nang unang pumayag si Musk na bilhin ang Twitter sa halagang 44-billion dollars.

Si Musk na itinuturing na world’s richest man ay siya ring nagpapatakbo sa Tesla at SpaceX.

Facebook Comments