Magsasaka patay sa panibagong kaso ng pamamaril sa bayan ng Arakan North Cotabato

Isang magsasaka ang namatay sa panibagong kaso ng pamamaril sa bayan ng Arakan sa lalawigan ng Cotabato. Kinilala ang biktima na si Ernesto Taganait, 27 anyos residente ng barangay Dailag sa Arakan.
Sa report ng Arakan Pnp pauwi na sa kanyang tahanan ang biktima ng barilin ng suspect sa ulo.
Inamin ni Police Chief Inspector Arjay Celeste, hepe ng Arakan Pnp hindi kaagad sila nakapagresponde sa tawag ng mga residente dahil NPA infested ang lugar kayat kinabukasan na nila napuntahan ang lugar.
Boluntaryo namang sumuko ang hindi pinangalanang suspect . Personal grudge ang nasisilip na motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments