Ayon sa Public Employment Service Office (PESO), kabilang ang 83 aplikante sa mahigit 1,000 job seekers na dumalo upang maghanap ng oportunidad sa trabaho mula sa iba’t ibang kumpanya at ahensya ng pamahalaan.
Sa kabuuang 1,032 aplikante, marami rin ang sumailalim sa mga panayam at assessment para sa iba pang bakanteng posisyon, na inaasahang magbubukas ng karagdagang pagkakataon para sa kanilang agarang empleyo.
Isinagawa ang job fair ang patuloy para mapalapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga residente at makatulong sa pagharap sa hamon ng tumataas na gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Bukod sa recruitment activities, nagkaroon din ng One-Stop-Shop Government Services.
Pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) ang programa katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Migrant Workers (DMW), at iba pang ahensya ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








