Thursday, June 18, 2026

3 dating bagmen ni Zaldy Co, dumating sa Ombudsman kaugnay ng nagpapatuloy na fact finding investigation

Nagpapatuloy ang fact finding investigation ng panel of investigators sa Ombudsman sa 3 pang dating bagmen ni  Zaldy Co.

Ito na ang pangatlong  araw ng fact-finding investigation ng Ombudsman na kaugnay alegasyong naghatid ang mga nagpakilalang bagman ng male-maletang pera sa ilang pulitiko.

Kahapon, lima ang sumipot sa subpoena ng Ombudsman.

Nauna nang sumalang sa interview si Johnny Buduan noong June 11, 2026.

Sa ngayon nasa siyam na dating bagmen ang  humarap na sa Ombudsman.

Hindi naman dumating ang  kanilang legal counsel na si Atty. Levi Baligod.

Una nang sinabi ni  Baligod na ang pagsalang ng ‘maleta boys’ sa interview  ay parte na ng pagbuo ng kanilang individual affidavit na hinihingi ng Ombudsman para sa mas malinaw, credible, at kapani-paniwalang paglalahad ng mga pangyayari.

Facebook Comments