Mahigit 100 pamilya sa Palawan, inilikas dahil sa malawakang pagbaha —PCG

Patuloy na tinutulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa PCG, nasa mahigit 100 pamilya at 30 indibidwal mula sa pitong barangay sa Puerto Princesa ang inilikas nila hanggang kagabi dahil sa malawakang pagbaha.

Epekto pa rin ito ng shear line na umiiral sa malaking bahagi ng bansa mula pa noong mga nakaraang araw.


Nasa maayos namang lagay ang mga na-rescue na pamilya at dinala sa iba’t ibang evacuation centers.

Ayon sa Coast Guard District Palawan, magpapatuloy ang kanilang rescue operations sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.

Facebook Comments