E-bike driver, nagtatago na matapos ang road rage sa Quezon City

Manhunt operation ang inilunsad ngayon ng mga tauhan ng Station 1 ng Quezon City Police District (QCPD) sa agarang ikadarakip ng e-bike driver na nagtago matapos ang road rage noong Febuary 7 sa pagitan ng truck driver sa Sgt. Rivera Street, Quezon City.

Ayon kay QCPD Police Station 1 Commander Police Lieutenant Gilbert Cruz sumingit umano ang e-bike driver dahil na naunahan siya ng truck driver at binusinahan pero, nairita ang naka e-bike driver kaya hinarang ng e-bike driver ang truck at doon nagkaroon sila ng komosyon.

Pinagpapalo ng martilyo ang gilid ng truck pati ang harapan maging ang side mirror nito.


Samantala, ayaw naman magbigay ng kaniyang panig ang truck driver dahil pinayuhan umano siya ng kaniyang kompanya na huwag magsalita sa media.

Facebook Comments