Monday, May 4, 2026

NBI, dumepensa sa akusasyon na ginagamit sila sa pangha-harass sa mga kritiko ng administrasyon

Dumepensa ang National Bureau of Investigation (NBI) sa akusasyon na ginagamit sila ng administrasyon sa paghabol sa mga kritiko ng pamahalaan.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, sa katunayan, sa mahigit 150 operasyon ng bureau, dalawa o tatlo lamang dito ang nahahaluan ng pulitika.

Nilinaw rin ni Matibag na ang pagkaka-aresto kay newsman Jay Sonza ay hindi personal.

Aniya, isinilbi lamang nila ang arrest warrant na ipinalabas ng Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Sinabi ni Matibag na may legal recourse pa naman si Sonza na maaring magamit matapos kuwestiyunin ng abogado nito ang sinasabing non-bailable na kaso ng broadcaster.

Facebook Comments