
Naka-abang ang Department of Energy (DOE) sa developments kaugnay ng panukala na suspendihin, bawasan o tuluyang alisin ang Value-Added Tax (VAT) sa kuryente.
Ayon sa DOE, malaking tulong ito para mapababa ang singil sa elektrisidad.
Sa kabila nito, inihayag ng Energy Department na ang Department of Finance (DOF), at ang Kongreso pa rin ang makakapagdesisyon kung aalisin ang VAT sa kuryente.
Ito ay para matiyak na mababawasan ang pasanin ng publiko nang hindi maaapektuhan ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.
Tiniyak naman ng Energy Department na handa silang magbigay ng technical inputs sa epekto sa energy sector ng mga isinusulong na hakbangin.
Facebook Comments










