Maika Ortiz, maglalaro sa Choco Mucho sa PVL Reinforced Conference

Screenshot from Choco Mucho’s Twitter account

Opisyal nang bahagi ng Choco Mucho ang veteran middle blocker na si Maika Ortiz.

Ito ang inanunsyo ng Flying Titans sa Twitter kahapon.

Si Ortiz ay isa sa pitong manlalarong pinakawalan ng Chery Tiggo matapos na sumailalim sa major revamp ang team noong nakaraang buwan.


Umaasa naman ang Choco Mucho na mapapalakas nila ang kanilang depensa sa net sa pagpasok sa team ni Ortiz.

Matatandaang nagtapos sa ikawalong puwesto ang Choco Mucho sa katatapos langt na PVL Invitational Conference kung saan nagkampeon ang Creamline Cool Smashers.

Facebook Comments