VP Sara, itinalagang OIC habang nasa state visits sa Indonesia at Singapore si Pangulong Marcos

160

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Vice President Sara Duterte bilang officer-in-charge (OIC) habang nasa state visit ito sa Indonesia at Singapore.

Batay sa Special Order No. 75, magsisilbing caretaker ng bansa ang pangalawang pangulo.

Si Vice President Duterte muna ang bahala sa day-to-day operation sa Office of the President mula ngayong araw September 4 hanggang September 7.


Ang pagbisita ng pangulo sa Indonesia at Singapore ay ang kanyang unang state visit bilang pangulo ng Pilipinas.

Facebook Comments