Malacañang, bumwelta sa pahayag ni VP Sara na iniwan na ng pamahalaan ang OVP

Hindi iniwan ng pamahalaan si Vice President Sara Duterte o ang Office of the Vice President.

Ito ang tugon ng Malacañang kasunod ng pahayag ni VP Sara na iniwanan na ng gobyerno ang OVP.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, gusto lamang palabasin ng bise presidente sa publiko na kawawa ang OVP pero kung tutuusin aniya, si VP Sara ang nang-iwan sa gobyerno.


Binigyan pa nga aniya ng pagkakataon si VP Sara na idipensa ang paggamit nito ng P120 billion intelligence at confidential funds pero hindi ginawa.

Giit ni Castro, hindi naman haharangin ng pamahalaan na mabigyan ng tamang buget ang OVP kung ito ay maipaliliwanag lamang nang maayos.

Facebook Comments