
Umiiral pa rin ang utos sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na magtipid sa paggamit ng pondo at iba pang resources.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi na kailangang maglabas pa ng panibagong direktiba dahil dapat nang alam ng mga ahensiya na panatilihing simple ang kanilang mga aktibidad ngayong Pasko.
Marami pa aniyang problema ang kailangang tutukan ng pamahalaan, kabilang ang epekto ng krisis sa Middle East at ang posibleng tagtuyot sa bansa.
Kaugnay nito, tiniyak ng Palasyo na nagpapatuloy ang paghahanda ng gobyerno upang mapanatili ang sapat na suplay ng pagkain, tubig at enerhiya sa harap ng inaasahang epekto ng El Niño.
Facebook Comments










