Malacañang, hindi pa maidetalye ang responsibilidad at tungkulin ni Presidential Chief of Staff Vic Rodriguez

160

Tipid pa rin ang sagot ng Malacañang sa mga reponsibilidad at tungkuling na dapat gampanan ni Atty. Victor Rodriguez bilang Presidential Chief of Staff.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz -Angeles na hindi pa niya ito masasagot sa ngayon hangga’t hindi lumalabas at nailalathala ang Administrative Order No. 1 kung saan nakapaloob ang appointment ni Atty. Rodriguez para sa kanyang bagong pwesto.

Hindi rin masabi ni Angeles kung ang pagbuo ng bagong pwesto para kay Rodriguez ay taliwas sa isinusulong ng administrasyong Marcos na Rightsizing Program.


Mas maigi aniyang makita muna kung ano ang nakasaad sa Administrative Order No 1.

Hindi rin masabi pa ni Angeles kung ano ang kaibahan ng Presidential Chief of Staff sa Cabinet Secretary na kung matatandaan ay una nang binuwag dahil sa pagpapairal ng administrasyong Marcos ng Rightsizing Program.

Facebook Comments