Friday, May 29, 2026

Mandatory permits sa mga ads at sales ng mga maliliit na negosyo, kinontra ng isang Senador

Tinututulan ni Senator Bam Aquino ang plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na pagiisyu ng mandatory permits sa lahat ng advertisements at sales promotions sa mga maliliit na negosyo.

Giit ni Aquino, magiging pabigat ito sa mga small businesses at online sellers na nahihirapan sa krisis sa langis at mataas na operational costs.

Sa ilalim ng Department Administrative Order (DAO), pinakukuha ng permit at pinagsusumite ng aplikasyon ang mga negosyo nang hindi bababa sa 30 working days bago payagang makapaglabas ng advertisement tulad ng digital ads, sponsored posts, videos, billboards at promotional campaigns.

Sakop nito ang parehong traditional at digital advertising platforms kung maipapatupad.

Giit ni Aquino, hindi pa man nakakabangon ang mga maliliit na negosyo mula sa epekto ng oil crisis, papatawan nanaman sila ng panibagong pasanin.

Nababahala ang senador na makakaapekto ito sa marketing at promotional campaigns para manatiling competitive ang mga negosyo at posibleng mauwi ito sa pag-atras ng mga negosyante dahil sa dagdag na gastusin.

Facebook Comments