
Pinalakas nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang pagtutulungan ng Pilipinas at Japan para tiyakin ang matatag at sapat na suplay ng enerhiya sa bansa at sa buong Asya.
Sa kanilang pagpupulong sa Tokyo, tinalakay ang mga hakbang para mapalawak ang renewable energy, maprotektahan ang suplay ng kuryente at langis, at mapabilis ang paggamit ng mas malinis na teknolohiya sa enerhiya.
Kabilang dito ang POWERR Asia initiative ng Japan na may pondong USD10 billion o mahigit ₱560 bilyon para suportahan ang mga bansang Asyano sa pagharap sa krisis sa enerhiya.
Target ng programa na palakasin ang imbakan ng enerhiya, palawakin ang mapagkukunan ng suplay, at magpasok ng mga bagong pamumuhunan para sa mas episyenteng paggamit ng enerhiya.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang pakikipagtulungan sa Japan upang matiyak ang tuloy-tuloy at mas maaasahang enerhiya habang isinusulong ang mas malinis na pinagkukunan ng kuryente.
Nakatakda ring idaos sa Maynila ang AZEC Leaders’ Summit sa Nobyembre 2026 na pangungunahan ng Pilipinas at Japan.










