Friday, May 29, 2026

Pagpasa sa panukalang Universal Pension Act, hiniling na sertipikahang urgent ni PBBM

Nakikiisa si Nueva Vizcaya Rep. Timothy Joseph Cayton sa panawagan kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr para sertipikahang urgent ang panukalang Universal Social Pension Act.

Panawagan ito ni Cayton kasunod ng pagpapa-abot ng grupo ng mga senior citizen kay House Speaker Faustino Bodjie Dy III ng halos 2 milyong lagda na sumusuporta sa pagsasabatas sa panukala.

Bilang principal author ng panukala, ay binigyang diin ni Cayton na panahon na upang gawing karapatan ang pagtanggap ng social pension ng mga Pilipino na edad 60 pataas.

Ayon kay Cayton, ang pagkakaloob ng social pension ay paraan ng malasakit, pasasalamat, pagpapa-iral ng katarungang panlipunan at pagbibigay ng dignidad sa ating mga nakatatandang kababayan.

Sa kasalukuyan, ay nakabinbin na sa Committee on Appropriations ang naturang panukalang batas.

Facebook Comments