Manila Police District, tiniyak na walang VIP treatment sa suspek sa pagpatay kay Atio

Manila, Philippines – Tiniyak ng Manila Police District Office na walang VIP treatment sa main suspect sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, ang pagiging solo sa loob ng kulungan ni John Paul Solano ay hindi nangangahulugan na may special treatment na siyang tinatanggap.

Nilinaw ni Margarejo na wala pang inilalabas na affidavit si Solano at hinihintay rin nila ang magiging disposisyon ng hukuman kapag pormal nang nasampahan ng kaso ang nasabing suspek.


Kaninang tanghali, pizza ang kinain ni Solano na dala ng kanyang abogado.

Si Solano ay personal na sumuko kay Sen. Ping Lacson bago siya inilipat sa kustodiya ng mpd kahapon.

Kahit umaming kasapi siya ng Aegis Juris Fraternity, sinabi ni Solano na wala siyang kinalaman sa hazing na nagresulta sa kamatayan ni Castillo.

Facebook Comments