MANUAL EQUIPMENT | Bagong pagawaan ng plaka, binuksan ng LTO

Manila, Philippines – Binuksan na ng LTO ang kanilang pagawaan ng plaka.

Sabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade, posibleng makapaglabas na ng mga plaka ang LTO sa Agosto o Setyembre.

Sa loob aniya ng isang araw, kakayanin ng pitong manual equipment na makagawa ng 22,000 piraso ng plaka.


Tiniyak din ng kalihim ang kalidad ng bawat plaka.

Dagdag pa ng kalihim, may darating na isang automatic plate making equipment na kayang gumawa ng 12,000 na mga plaka sa loob lang ng isang araw.

Matatandaang nasa 3.8 milyong piraso ng plaka ang hindi pa na-i-isyu ng LTO mula noong July 2016 hanggang March 2018.

Facebook Comments