PIRMA NA LANG | Rekomendasyong nagdedeklara ng state of calamity sa Boracay, pirma na lamang ni P- Duterte ang hinihintay

Manila, Philippines – Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para sa ideklara ang state of calamity ang Boracay.

Ito ay kasabay ng pag-uumpisa ng closure at rehabilitasyon nito bukas.

Aprubado na ng NDRRMC ang draft resolution na nagrerekomenda sa pangulo ng deklarasyon ng state of calamity na sakop ang mga barangay na Balabag, Manoc-Manoc at Yapak sa bayan ng Malay, Aklan.


Epektibo ang state of calamity sa loob ng isang taon.

Ayon kay President Spokesman Harry Roque, layon nitong magamit ng pamahalaan ang calamity fund na tutugon sa mga residente at mga manggagawang maaapektuhan ng pagsasara ng isla.

Pagtitiyak naman ni Roque na iimbestigahan ng DILG ang umano ay bentahan ng ID sa isla.

Babalik ngayong araw sa Boracay si DENR Secretary Roy Cimatu para inspeksyunin ang paghahanda para sa anim na buwang pagsasara ng isla.

Facebook Comments