Monday, October 19, 2026

Marcoleta, sinuspinde ng Sandiganbayan ng 90 araw

Ipinag-utos ng Sandiganbayan Third Division ang 90 araw na preventive suspension kay Senator Rodante Marcoleta kaugnay ng kinakaharap nitong kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46.

Sa resolusyong inilabas ngayong Lunes, Oktubre 19, sinuspinde si Marcoleta sa kaniyang tungkulin bilang senador at sa anumang iba pang posisyon sa pamahalaan.

Nag-ugat ang kaso sa alegasyong tumanggap si Marcoleta ng kabuuang ₱75 milyong regalo o donasyon mula sa tatlong indibidwal noong kinatawan pa siya ng SAGIP Party-list.

Ayon sa Anti-graft Court, mandatory ang preventive suspension kapag may balidong sakdal. Magiging epektibo ang suspensyon sa oras na matanggap ang resolusyon at awtomatikong aalisin matapos ang 90 araw.

Nilinaw ng korte na hindi maaapektuhan ang operasyon ng Senado sa kabila ng suspensyon.

Facebook Comments